“Patak ng Pag-ibig para sa Hangin”

Katha ni: Luis Carlos


Pagmamahal na hindi makasarili,
Dahil kaligayahan ng pinakamamahal ko ang mas pinipili.
Mahirap man pero pahahalagahan ka at hindi mag-aatubili,
May kirot man pero magpapasaya pa rin ako na walang pasubali.

Ang kaligayahan ko ay hindi nagbabaka sakali,
Magbibigay pa rin ako kahit pa wala na sa aking maisusukli.
Ganyan ang pag-ibig na tunay at dalisay hanggang sa huli,
Nagbibigay at patuloy pang makakapagbigay sa bawat sandali.

Kung ang irog ko ay sasaya sa piling ng hanging bumubuhay,
Itong agos ng saya ko sa iyo ay buong lugod na iaalay.
Anumang mangyari, hindi ako mababawasan ng pag-ibig na taglay.
Ang tanging alam ko, ngiti mo ay sisilay kahit pa siya na ang pupuno nito at magbibigay.

 

Orihinal na paglathala: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211288937672120&set=gm.1676620059309318&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: