“Ang Linaw ng Isip at Busilak na Puso ni Sang’gre Alena”

Sa panunulat ni: Melisse Yutuc

“Ybarro alam ko at naiintindihan ko ang galit sa iyong puso ngunit hindi ang tamang panahon upang iganti si Lira at bigyan ng katarungan ang kanyang pagkamatay lalo na kung ang buong hulbo ang mapapahamak.

Tignan mo sila. Nakahanda na ang kanilang mga bangkay upang maiuwi na sila sa kanilang mga pamilya. Hindi na lamang ikaw ang nawalan ng anak, Ybarro. Ang pamilya nila ay nawalan na rin ng anak, kapatid o ng asawa. Kaya sagutin mo nga ako. Masaya ka ba na hindi ka na nag-iisa na nagluluksa ngayon?”


Hindi madali maging kasing mapagpasensya tulad ni Alena. Katulad ng kanyang mga kapatid, marami rin ang kanyang napagdaanang mga trahedya sa kanyang buhay. Ngunit nanatili pa rin siyang bukas ang isip at puso sa mga nilalang sa kanyang paligid.

Tunay ngang tumutupad si Alena sa kanyang sinabi kay Lira, na ang Encantadia ang lumalaman na ng kanyang puso.

Mas naisip ni Alena ang kapakanan ng mga mawawalan ng buhay at mga mahal sa buhay dahil sa karahasan. Mas pinili niyang makita ang iba pang mga pamimilian kaysa sa ipagpatuloy ang dahas.

Ngunit alam din ni Alena kung kailangan ng gamitin ang dahas pag kinailangan nang dipensahin ang kanilang mga sarili. Depensa – hindi opensa.

Masasabi ba natin na katulad ni Alena ang iba’t ibang pinuno sa Encantadia? O mga pinuno maging sa ating mundo?

Original na paglathala: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211269188258397&set=gm.1675662702738387&type=3&permPage=1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: