“Sinag ng Liwanag”

Akda ni: Luis Carlos

Liwanag na mailap, darating ka ba kasabay ng kapayapaang pangarap?
Malapit ka na bang mahagilap sa mga ulap kung sa ngayon ika’y aandap andap?
Ano ang maibabahagi mo sa paraisong uhaw na ika’y malasap?
Kung ika’y darating, mananatili ka ba o lilipad muli na parang kulisap?

Liwanag na sa langit ay aming idinudulog at ipinapakiusap,
Nawa dalhin ang panalangin namin at ito’y makarating at matanggap.
At sakaling darating na ang mga hiwatig ng mga magaganap,
Nawa ay may lakas kami na suungin ka at maapuhap.

Sa pakikipagtutuos namin sa dilim, sana ikaw ay tanglaw na masulyap.
Kung anuman ang aming mga haharapin, sana ikaw at ikaw pa rin ang aming mahanap.
Kung sa hiwa o talim at sakit o pighati kami man ay mapayakap,
Sana sa huli, ikaw ay kumislap pa rin at magisnan — buo at tuluyang lalaganap.

 

Original Post: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211234797118640&set=gm.1674198419551482&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: