Pagyanig ng Nadaramang Pighati

Amihan,

Binigo kita. Binigo ko ang ating lahi.

Bilang reyna, isinakripisyo mo ang iyong buhay upang iligtas ang ating tahanan… ang ating mundo. Nawala ka sa amin nang dahil dito, dahil itinupad mo ang tungkulin mo… bilang reyna.

Ngayon ko lamang nauunawaan ang ibinahagi mo sa akin noon, Amihan… na isang malaking sakripisyo ang pagiging reyna, kaya natiis mo ang iyong pagmamahal kay Ybrahim.

Ngunit huli na ang lahat.

Lumabag ako sa ating batas.

Kaya tama si Pirena. Nang dahil sa akin ay iniligay ko ang ating lahi at ang ating mga kapanalig sa kapahamakan. Iniligay ko ang lahat sa panganib.

Pashnea.

Dahil sa akin…

Nagbuwis ng buhay ang aking mga hadiya.

Humihingi ako ng paumanhin, aking kapatid. Nangako ako sayo na hindi ko pababayaan si Lira – at hindi ko ito natupad.

Nabigo kita… at ito ang pinakamalaki kong kabiguan, higit pa sa kabiguan ko bilang reyna. Hinding hindi ko mapapantayan ang iyong nagawa. Hindi ko na maibabalik ang dalawang liwanag ng Lireo.

Ngunit sa mga susunod kong hakbang ay maaari ko pang maiwasto ang aking mga pagkakamali.

Bigyan mo akong ng lakas, Amihan. Dahil kailangan kita, kailangan ko ang iyong boses, ang iyong kalinga. Ang iyong pagmamahal.

Upang hindi na ako magkakamali pa.

Upang magawa ko ang pinakamalaking tungkuling inatasan mo sa akin. Ang maging tunay na reyna ng mga diwata.

Nabigo man ako kay Lira, pero sana’y hindi na kita mabigo bilang reyna, aking kapatid.

Araw-araw kitang naaalala. Araw-araw kitang naiisip. At sa mga salita ni Lira noong kami’y naglalakbay… “miss na miss” ko na rin ang iyong anak.

E correi diu, Amihan.

Original Post: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211199204028835&set=gm.1672348193069838&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: