“Ang Dapat na Gilas ng Isang Nymfas”

poeAkda ni: Luis Carlos

Batid ng mga talang nagniningning ang pagtatanging matagal ko nang inililihim.
Hiling ko noon ay patuloy silang kuminang para ako’y kakitaan mo ng tapang.
Kung bakit ba kasi hindi ko masabi-sabi ang mga katagang dapat ay namutawi.
Marahil hindi nga sapat ang mga pagkakataong inilaang makasama ka sa iyong tabi.

Batid ng kagubatan ang nais ibulong at isiwalat ng aking mga labi.
Sana noon pa man ay pinili ko nang ipamalas ang pagsintang hindi maikukubli.
Pero kumapit tayo sa mga baging o sangang nagdala sa atin sa bagong kabanata.
Iba ang dala nitong sigla at kasabikan na sadya talagang nakatakda.

Kung sana kasama pa kitang tutunghay sa pagkislap ng kalangitan.
Kung sana ay kasama pa kitang manonood sa pagsabog ng mga kulay at liwanag.
Marahil maipapamalas ko pa ang gilas ng puso kong nag-aalab.
Marahil maiwawaksi ko na ang mga alinlangang hindi ko noon mapatag.

Tumingin ka sa bituin at ang buong kakahuyan ay damhin.
Sa kanila mo ako mararamdaman, nasa kanila ang damdaming ninais kong iparating.
Doon mo mababatid na kahit minsan at kahit saan ay hindi kita iiwan.
Naroon ang gilas ng pagmamahal kong hindi ko pa nasabi sa iyo kailanman.

Original Post: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211180646964920&set=gm.1671322649839059&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: