Para Kay Lolo Imaw…

Katha ni: Luis Carlos

Lolo Imaw,

In fairness, sa dami ng pangaral ninyo sa akin, lahat iyon sineryoso ko.

Nais kong humingi ng tawad sa lahat ng mga kalokohan ko at namin ni Mira. Batid mo mang hindi ako lumaki sa mundo ng mga diwata, binaon ko ang aking mga natutunan mula sa mundo ng mga taong nag-aruga sa akin upang ako ay maging malakas at buo ang loob.

Sa maraming beses na napangiti ko kayo, yamang iyong maituturing para sa akin. Sa mga pagkakataong sumuong ako sa mga pagsubok, ang mga masasayang sandali ang bumubuhay sa aking loob. Iyon ang naging lakas ko upang hindi magapi at hindi maging marupok.

Lolo Imaw, natatandaan ko ang mga bilin mo sa amin ng pinsan kong si Mira. Isinapuso namin iyon kaya marahil kami ay napili ng unang reyna ng mga diwata upang maging mga bagong tagapangalaga. Ninais naming mapatunayan iyon sa iyo at sa lahat na kami man ay karapat-dapat. Hanggang sa huling sandali ay sinikap at sisikapin naming ipakita ito. Nais naming maging halimbawa sa pagiging dakila dahil ito rin ang halimbawang ipinakita sa amin ng aming mga ina.

Mamaw, este Lolo Imaw, maraming, maraming salamat po dahil kahit sa gitna ng mga gulo at pagod kong puso, nandiyan ka para gabayan ako at ang pinsan ko. Regards na lang po kay diwatang model na si Lola! Dapat pala nag-groufie tayo bago ang ala-Survivor training namin noh?

Nagmamahal,

Lira

Original Post: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10211173633469587&set=gm.1670942386543752&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: