The First Luntaie

Written by: Brandon De Luna

“Makinig kayo, minsan nang may hinirang si Emre na tagapagligtas ngunit ito’y pinaslang ng Bathalumang Ether bago pa man magawa ang kanyang layunin.” – Pagaspas, Episode 58

This comment made me think that Lira was not the unang tagpagligtas na pinili ng Bathalang Emre at isa pang nakakapagtaka dito ay batid ito ng mga Mulawin ngunit parang di ito alam ni Danaya na mula sa angkan ng mga Diwata.

Has the First Luntaie been forgotten? Hindi maaari dahil alam parin ni Pagaspas ang kanyang kwento and it is implied Lakan is aware of it after Pagaspas mentioned the gintong binhi.

Ang alam lang natin sa unang Luntaie ay siya’y pinaslang ng Bathalumang Ether bago pa man matupad ang kanyang layunin. Ano nga ba ang layunin nito? Possibly, it is to defeat Etheria. The fact that the first Luntaie earned Ether’s fear ay nangangahulugan na isa siyang makapangyarihang Encantadia na maaaring kapantay sa kapangyarihan ng Hara Avria ng Etheria.

It is possible that the First Luntaie was one of the leaders during the First Etherian War at kinatakutan ng mga Etherian dahil sa kanyang kapangyarihan gaya ng isang bathaluman tulad ng kanilang Hara. Together with Cassiopea, who is a powerful Diwata by right, they led the Diwata front against Etheria while being supported by Hathors, Sapiryans, and Adamyans.

Maaaring ang kanyang tungkulin mula kay Emre? Mawasak ang Etheria at paslangin ang Bathalumang Ether.

Ngunit before she was able to lead the Encantadia front to destroy Etheria, Ether may have silently attacked her from behind gravely weakening her and a huge blow to the morale of Encantadia. Emre knew that her death might lead to Encantadia’s defeat even if with the existence of Cassiopea, Adhara, and Amihan I, in there; this is why he provided the Gintong Binhi (isn’t it funny that there were two gintong binhi instead of one?) upang mabuhay muli ang unang tagapagligtas.

But Ether stole the seed, out of fear that the First Luntaie will fulfill her mission.

Kaya pano natalo ng Encantadia ang Etheria sa pagkawala ng Unang Luntaie? Maaaring dahil dito binigay ni Emre ang Inang Brilyante kay Cassiopea bilang kapalit sa pagkamatay ng Unang Tagapagligtas.

I would love to see an actual prequel of Etheria because due to Avria’s power, it seems unimaginable how Encantadia defeated her in battle. Wala pa sina Hera Juvila at Hera Odessa na mga makakapangyarihang mga Heran rin. But I don’t want it to be a series, I would rather see it as a movie, pretty straightforward but well prepared.

The First Luntaie could have been a war hero, a martyr, and the first encantada who earned the ire and fear of Ether. Ether did everything to stop the luntaies in fulfilling their destinies, such as Lira.

Kilala at dinadakila siya ng mga Mulawin na maaaring magpakita na ang kanyang kwento ay patuloy na sinasabi sa ibang mga henerasyon. Maybe Cassiopea knows her and can narrate what she actually did together with Adhara, Amihan I, Rama Duri-e Meno, Bartimus, and their children to defeat Etheria.

Baka kilala parin siya ni Avria na natutuwa sa kanyang pagkapaslang ngunit batid niya ang diwa ng Unang Luntaie ay itutuloy ni Lira at ng kanyang mga kasama (Mira, Ariana, Deshna, Paopao).

The Luntaies are the champions of Emre. Ngunit hindi ba nakakatuwang isipin na sa pagkapaslang ng unang tagapagligtas ay dun nabuo ang Ynang Brilyante?

 

Original Post: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1476107849068251&set=gm.1663426510628673&type=3&permPage=1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: