Paopao: Ang Binatang Ligaw

Original Post: https://www.facebook.com/groups/1515596012078391?view=permalink&id=1657212684583389

Avisala Engkantadiks! Excited na ba kayong manuod ng Encantadia sa Lunes? Andaming kaabang-abang na tagpo sa susunod na linggo. Isa na rito ang wari’y pagpili muli ng Elemento ng Diwa kay Paopao bilang Tagapangalaga ng Ikalimang Brilyante. Ngunit dahil ilang taon na ang lumipas, isa ng ganap na binata si Paopao.

Nakakatuwang isipin na lumipas man ang panahon, hindi pa rin nakakalimutan ni Paopao ang mundo ng Encantadia. Kung pagbabasihan ang Abangan scene noong nakaraang Biyernes, tila ibinahagi niya ang kwento ng mga diwata sa mga bata sa kanilang pamayanan. Nagbihis Sang’gre pa ang mga bata tulad sa mga nakaugalian nating role-playing nung tayo ay mga bata pa. Yes, hindi kumpleto ang EncaMania kung wala ang role-playing 😉

Nakita din natin ang pagpapakita ng Elemento ng Diwa kay Paopao. Hindi alintana ni Paopao ang hiwaga ng ikalimang elemento, bagkus ay nasiyahan siya na parang matagal niyang hinintay ang tagpong iyon.

Ang tanong, bakit sa pakiwari’y si Paopao muli ang pinili ng elemento ng Diwa upang maging tagapangalaga ng ikalimang brilyante? Bakit isang mortal muli ang nakatadhanang gumamit ng kapangyarihan ng elemento ng Diwa? Dahil tulad ni Paopao, nasa atin ang Diwa ng Encantadia. Nananalaytay sa atin ang paniniwala sa mahika (mahika ng pag-ibig, mahika ng Pasko, atbp) Tayong mga mortal ay nangarap din na magkaroon ng kagilagilalas na kapangyarihan tulad ng mga Sang’gre.

Best parallelism for this scene is Digimon Adventures 2, where T.K. Takaishi and Kari Kamiya was chosen again to be the digidestined and bearers of Crests of Hope and Light. Even though there are new digidestined, the Harmonious Ones still chose the youngest of 1st digidestined to be the bearers of 2 of most important crest is Digimon Universe

Abangan si Phytos Ramirez sa kanyang pagganap bilang binatang Paopao sa Encantadia! 💙💚💛💎

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: