Kahlil

“Ako si Kahlil, anak ni Alena at Ybarro

Siya ang anak na binasbasan ni Alena na mapapabilis ang paglaki. Siya ang lalaking Sang’gre na nakita ni Casseopea sa kanyang Mata na siyang papaslang kay Lira. Siya ang anak na hindi man lang nasilayan ng kanyang amang si Ybrahim. Tulad ng kanyang kapatid na si Lira, mayroon din siyang basbas ni Emre dahil nagpakita ang kanyang paru-paro nung gabi si Alena at Ybarro ay nagniig. Siya rin ay pinapangalagaan ni Bathalumang Ether “laban” kay Casseopea, na nais baguhin ang kapalaran ni Kahlil. Siya ay dinala ni Hagorn sa Lireo, at nalaman ni Pirena ang kanyang katauhan. Gamit ang Brilyante ng Tubig, siya’y binasbasan ni Pirena upang gumaling sa pakikipaglaban at maging natatanging engkantado na papaslang kay Lira.

Isa si Kahlil sa mga tauhan ng Encantadia 2005 ang nais kong magkaroon ng changes ngayong version ng Encantadia. His death in 2005 sparks hatred and vengeful attitude of Alena towards her sisters, especially Amihan. Dahil sa kamatayan ni Kahlil nagtransform si Alena bilang mas malakas at mas cunning na Sang’gre. This time however, mas gusto ko siyang mabuhay tulad ng pagnanais ko na sana mabuhay din si Mira sa huli. It would be nice to have character development kay Kahlil. Yes, his death is essential for Alena’s character development, ngunit bilang isang Mashna (Heneral) ni Sang’gre Alena, I like Kahlil 2016 to have different fate. I see him knowing his father Ybarro, heir to the throne of Sapiro (I prefer the Northern Kingdom to be pure patriarchal rule but I also welcome the idea of Queens ruling Sapiro), and to have good life. Kahlil is innocent child to have terrible fate and that’s too much for Alena if Kahlil dies.

Theory about him? Like Casseopea, clouded ang aking mata sa kapalaran ni Kahlil. We can only speculate every episode na ipapalabas si Kahlil. Masasakatuparan ba niya ang kanyang tadhana? O magbabago ang kanyang kapalaran sa tulong ng brilyante o ng iba pang makapangyarihang bagay (tulad ng Setro ng Reyna, na kayang tanggalin ang kapangyarihang iginawad ng brilyante sa isang engkantado)

We may not know the intention of Bathalang Emre, I’m hoping it’s for the best. Umaasa ako na sana mabuhay ng matagal si Kahlil. Encantadia 2016 has so much changes and I embrace those changes especially now that Team E spend so much effort sa ating epic fantaserye.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: